^

Metro

Crime prone areas sa MM tutukan ng NCRPO

-

Tututukan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga tinaguri­ang crime prone areas sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ni NCRPO Chief Director Jefferson Soriano upang matugunan ang lumala­lang kriminalidad sa ilalim ng kanyang huris­diksyon.

Kasabay nito, ayon kay Soriano, inatasan na niya ang mga district directors sa Metro Manila na tukuyin ang mga ‘crime prone areas’ sa mga lugar na kanilang nasa­sakupan.

Kabilang sa mga itinutu­ring na crime prone areas ay ang Novaliches, Aurora Blvd., Com­monwealth Avenue, Quezon Avenue, E. Rodri­guez Avenue; pawang sa Quezon City; ­ng Recto, Quiapo, Tondo, Taft Avenue, Divisoria at iba pang lugar sa lungsod ng Maynila; Alabang-Zapote Road sa Las Piñas; Libertad sa Pasay City; Boni Avenue sa Manda­luyong City; Guadalupe at Pasong Tamo sa Makati City; sa ka­ha­baan ng Monumento sa Ca­loocan City atbp.

Sinabi ni Soriano na ina­asa­han niyang bababa ang kri­mi­nalidad kung sa mga lugar na kilalang pinagtatam­bayan ng masasamang-loob magsasa­gawa ng pinalakas na police visibility ang NCRPO operatives.

Ipinagmalaki pa ni Soriano na bumaba na ang insidente ng ‘motorcycle riding in tandem’ na modus operandi ng mga kriminal sa Metro Ma­nila ma­tapos ang puspusan ­ng NCRPO kaya’t sa pagtutok naman sa mga’ crime prone areas’ ang ka­nilang ipapra­yoridad. (Joy Cantos)

ALABANG-ZAPOTE ROAD

AURORA BLVD

BONI AVENUE

CHIEF DIRECTOR JEFFERSON SORIANO

JOY CANTOS

METRO MANILA

SHY

SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with