Alaga at amo kapwa natodas

Isang 28-anyos na bi­nata ang natulad sa kan­yang alaga nang pagtu­lungan itong gul­pihin, ha­tawin ng tubo at pag­sa­saksakin hang­­gang sa mapatay ng mag-aama matapos magtalo nang lapain ng alagang pitbull ng mga suspek ang asong kalye naman na alaga ng una, kahapon ng ma­daling-araw sa Va­lenzuela City.

Patay na nang ida­ting sa Valenzuela Ge­neral Hospital ang bik­ti­mang si Marlon Pam­plona, taga-Sabino Compound, May­san ng lungsod na ito.

Sumuko sa mga pu­lis si Lopito Osia, 52, ha­­bang nadakip na­man ang mga anak nito na itinago sa mga panga­lang John, 17; Peter 16; Paul, 13; at na­katakas naman ang kanilang panganay na si Toto, 18, pawang mga kapit­bahay ng biktima.

Lumalabas sa im­bes­tigasyon ng Valen­zuela City Police, na­ga­nap ang insidente dakong alas-12 ng ma­daling-araw sa na­banggit na lugar.

Nabatid na kinom­pronta ng biktima ang mga suspek makara­ang lapain ng pitbull na aso ng mag-aama ang alaga naman niyang asong kalye.

Nagkainitan ang bik­tima at ang mag-aamang Osias at dito na pinagtu­lungang gul­pihin ang biktima na naging sanhi ng kama­tayan nito.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mag-aama liban sa pa­nga­nay na si Toto.

Patuloy pa rin ang isinasa­ga­wang imbesti­gasyon sa kaso. (Lor­deth Bonilla)

Show comments