Lim namigay ng wheelchair
November 2, 2008 | 12:00am
Sinimulan na kahapon ni Manila Mayor Alfredo Lim ang maagang pamasko sa pamamagitan ng pamamahagi ng wheelchair sa mga may kapansanan at nangangailangan sa lungsod.
Nabatid na personal na pinuntahan ni Lim ang mga taong mayroon polio simula bata, bedridden, biktima ng strokes, may depekto sa spinal cords, may cerebral palsy at iba pang hindi nakakapaglakad.
Unang nakatanggap ng wheelchair ang dalawang hindi makalakad sa distrito 1, habang apat naman sa Ika-2 distrito at dalawa sa Ikatlong distrito. (Doris Franche)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended