300 kilo ng double dead meat nasamsam

Tinatayang mahigit sa 300-kilo ng double dead na karne ng baboy ang na­kumpiska ng mga tauhan ng Office ot the City Vete­rinarian (OCV) mula sa isang illegal na slaughter house kahapon ng mada­ling-araw sa Pasay City. Halos malapit kay Pasay City Mayor Wen­ces­lao “Peewee” Trinidad ang na­turang illegal na slaughter house na pag-aari ng isang Ricky Men­doza na mata­tagpuan sa Villanueva St.

Dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang sa­lakayin ang naturang slaughter house matapos na makatanggap ng ulat na hindi umano idinadaan sa pagsusuri ang mga baboy na kinakatay dito.

Napag-alaman na ma­raming mga meat vendors sa Pasay Public Market ang direktang kumukuha ng kanilang panindang karne ng baboy sa natu­rang illegal na katayan dahil mas mura ang  ha­laga rito dahil nga hindi dumadaan sa inspeksiyon.

Nakatakas naman si Mendoza at ang kanyang asawa nang dumaan ang mga ito sa bubong ng ka­nilang bahay habang nag­sasagawa nang pagsa­lakay ang mga awtoridad.

Dinala naman sa cro­codile farm sa CCP Com­plex ang mga nakumpis­kang karne ng baboy upang ipakain sa mga buwaya. (Lordeth Bonilla)

Show comments