Magnobyo inambus

Binaril at napatay ng isang hindi pa nakikilalang salarin ang isang binata habang ipinagtatanggol nito ang nobya kamakalawa ng gabi sa Canumay, Valen­zuela City. 

Agad na tumakas ang suspek matapos mabaril ang biktimang si Remigio Pasiente, 36, ng Agapito St., Mapulang Lupa sa naturang lunsod.

Lumitaw sa pangunang pagsisiyasat na magka­angkas sa isang motorsiklo sina Pasiente at ang nobya niyang si Ma. Rhea Bernardino, 42, sa Jacinto St. sa Canu­may nang biglang sumulpot ang suspek at tinutukan sila ng baril. 

Pinaharurot ni Pasiente ang kanyang motorsiklo pero hinabol at pinaputukan sila ng suspek hanggang pagbalingan nito si Bernardino.

Pinukol naman ni Pasiente ng bato ang suspek pero pinagbabaril ng huli ang una hanggang masawi ito. (Lordeth Bonilla)

Show comments