Beauty service sa manggagawa

Mapagkakalooban ng libreng beauty services ng Department of Labor and Em­ployment ang mga mang­­­gagawa at mga pa­milya ng mga ito na nani­nirahan sa Las Piñas City bilang bahagi ng non-wage benefit program ng departa­mento para sa mga mang­gagawa.

Ayon kay Labor Secretary Marianito Roque, ka­bilang sa serbisyo ang haircut, pedicure at manicure na ipagka­kaloob kasabay ng ikawa­long bahagi ng Dis­kwento Consumer Caravan, isang proyekto ng DOLE sa ilalim ng National Wages and Productivity Commission.

Nabatid na ang prog­rama, na sinimulan noong Hunyo ay isasagawa sa Verdant Covered Court sa Verdant St. corner Zapote-Ala­bang road sa Las Piñas sa Oktubre 21, Martes.

Ayon sa Kalihim, ang proyekto ay kabilang sa mga non-wage benefit program ng DOLE na may layuning mabigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na makabili ng mga panguna­hing bilihin sa mas murang presyo. (Mer Layson)

Show comments