Rollback Kulang Pa -Transport Groups
Sa kabila ng panibagong rollback sa presyo ng petrolyo na ginawa ng mga kompanya ng langis ay tila hindi pa rin masaya ang militanteng grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operaytors Nationwide (PISTON) dahil kulang pa rin umano ang ibinaba ng mga ito.
Ayon kay PISTON Secretary General George San Mateo, ang panibagong P1 kada litrong ibinaba sa presyo ng petrolyo partikular sa diesel ay hindi pa rin sapat para madagdagan ang kita ng isang drayber.
Dagdag pa ni San Mateo, na sa kasalukuyang $75 kada bariles na lamang ang presyo sa world market ay dapat ay pumapalo na lang sa P37 kada litro ang presyo ng diesel.
“Wala tayong ikagagalak diyan. Dapat sila mag-rollback, kulang na kulang yan. Sa aming pagtaya conservative na ito, ang presyo ng diesel dapat sa P37 per liter. Patuloy nila tayong niloloko sa ganyang piso-piso na yan,” ayon kay San Mateo sa ginawang panayam.Minaliit lamang ng transport groups ang P1.00 kada litrong bagong oil price rollback ng limang kumpanya ng langis.
Ganito rin ang naging reaksyon ng grupo ng Allianced of Concerned Transport Organization (ACTO) at Pasang Masda.
- Latest
- Trending