Daan-daang pakete ng marijuana at shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Quezon City Jail matapos magsagawa ng sorpresang inspeksyon ang bagong jail warden nito kahapon.
Inutos ni Supt. Emilio Culang Jr. ang pagsasagawa ng “Operation Greyhound” na, rito, mahigit sa 200 pakete ng iligal na droga ang nakumpiska sa mga higaan at katawan ng mga bilanggo sa iilang selda pa lamang na kanilang nainspeksyon.
Nakumpiska rin ang iba’t ibang mapanganib na mga armas, patalim, at 70 unit ng cellphone na maaaring gamit ng mga bilanggo sa kanilang iligal na transaksyon.
Inaasahan naman ng pamunuan ng QCJ na tataas pa ang bilang ng mga nakukumpiskang iligal na droga at mga patalim sa pagsuyod nila sa lahat ng mga selda. (Danilo Garcia)