Dahil sa walang tigil na pag-ulan ay sinuspinde ng lokal na pamahalaang lungsod ng apat na siyudad at Department of Education (DepEd) ang pang hapong klase kahapon sa pampubliko at pribadong elementarya at high school sa Pasay, Manila, Mandaluyong at Muntinlupa.
Ayon kay DepEd National Captial Region (NCR) Regional Director Teresita Domalanta, ang pagsuspinde ng klase sa elementary at high school sa apat na lungsod ay idineklara bago mag-alas-11 ng umaga matapos na magdesisyon ang pamunuang lungsod at DepEd na ikansela na ang mga klase dahil sa lakas ng buhos ng ulan bunsod ng isang low pressure area na nakita sa parteng Southern Leyte.
Ayon kay Domalanta, unang nagkansela ng kanilang pasok sa elementary at secondary ang lungsod ng Muntinlupa matapos na magkaroon ng konsultasyon ang pamunuang lungsod sa mga principals ng mga eskwela han dito matapos na magsimulang bumaha sa mga kalsada lalo na sa mga papuntang eskwelahan.
Ang Muntinlupa City ay mayroong mahigit sa 90 elementary at high school.
Ilang minuto matapos mag anunsyo ang Muntinlupa City ay nagdeklara rin ng pagkansela ng klase ang Pasay na sinundan ng Manila at Mandaluyong.