Pulis, 1 pa timbog sa holdap

Dalawa katao kabilang ang isang bagitong pulis ang inaresto ng pulisya matapos umanong   holda­pin ang isang empleyado ng BIR, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Nakilala ang mga suspek na sina PO1 Rodolfo Lla­cona, Jr., 28, nakatalaga sa (PNP-NHQ-HSS) Camp Crame at Adan Maquirang, 40 , kapwa naninirahan sa Bagong Silang ng nabang­git na lungsod. Isa pa nilang kasamahan na mabilis na nakatakas ang pinaghaha­nap ng mga aworidad. Na­­ki­lala naman ang   bik­tima na si Teresita Gregorio Sebastian, 47, ng Del Ray Sub­division, Camarin, ng nabanggit na lungsod. Naganap ang insidente dakong alas -8:00 ng gabi sa kahabaan ng King Ri­chard St., ng nabanggit na subdivision habang nagla­la­kad ang biktima nang harangin ng tatlong suspect na armado ng baril. Sapi­litang kinuha ng mga sus­pek ang hand bag ng bik­tima na naglalaman ng cellular phone, at iba pang ma­hahalagang doku­mento. Matapos makuha ang pakay ay agad na nag­sitakas ang mga suspek sakay ng isang taxi habang agad namang nanghingi ng tulong sa mga awtoridad ang biktima. Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis  na nagresulta sa pagka­ka­aresto sa dalawang sus­pek. (Lordeth Bonilla)

Show comments