^

Metro

Snatcher na parak, timbog

-

Isang pulis-Maynila ang inaresto matapos kuyugin ng taumbayan dahil sa panghahablot ng shoulder bag ng isang kawani ng Bangko Sentral ng Pili­pinas (BSP), sa tapat ng gusali ng Philippine Amuse­ment and Gaming Corpora­tion (PAGCOR) sa Malate, Maynila kahapon ng ma­daling-araw.

Nakilala ang nadakip na parak na si PO2 Ab­raham Mamicao,   nakata­laga sa MPD-Station 9 at residente ng Lardizabal St., Sampaloc, Manila. Na­haharap siya sa kasong attempted robbery at po­sibleng masampahan din ng kasong administratibo.

Bunsod ito sa rekla­mong iniharap ni Ivy Maria Cinco, 30, dalaga, govern­ment employee, ng Cor­porate Affairs Office ng BSP   sa Mabini St., Malate.

Ayon sa ulat , dakong alas-2:20 ng madaling araw nang hablutin umano ng nasabing pulis ang shoulder bag ni Cinco, sa harapan ng PAGCOR sa panulukan ng Roxas Blvd., at D. Quintos St., Malate habang kasama ng biktima ang boyfriend nitong turista.

Sa reklamo, sinabi ni Cinco na habang naglala­kad siya at ang nobyong si Bruce Gore Miller, 51, isang dayuhan nang hab­lutin umano ng suspect na sakay sa Honda wave na mo­ torsiklo ang kanyang da­lang bag na naglalaman ng Nokia N95 cellphone at wallet na may P3,600. cash.

Pilit umanong nakipag-agawan ng biktima habang ang boyfriend niya umano ay hawak na ang kamay ng suspect kaya bumag­sak umano ang huli. Dahil sa komosyon na nakita ng nakatalagang security guards, ay mabilis itong sumaklolo kasabay ng mga usiserong bystan­ders na nagtulong-tulong na bugbugin ang suspect. (Ludy Bermudo)

AFFAIRS OFFICE

BRUCE GORE MILLER

CINCO

GAMING CORPORA

IVY MARIA CINCO

LARDIZABAL ST.

LUDY BERMUDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with