Kuya todas sa utol na babae

Patay ang isang 52-anyos na lalaki makara­ang masaksak ito ng nakababatang kapatid na babae matapos na magtalo hinggil sa proble­mang pampamilya kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ang biktima na si David Agcaoili, binata, na agarang nasawi matapos na masak­sak sa dibdib ng kanyang nakaba­batang ka­patid na si Carolina Agcaoili, 48, kapwa resi­dente ng Pano­rama St. Brgy. Concepcion Dos ng na­sabing lungsod.

Ayon kay Supt. Sotero Ramos, hepe ng Mari­kina police, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa loob ng bahay ng pamilya Agcaoili nang magtalo hinggil sa problemang pam­­pamilya ang magkapatid.

Nauwi ang pagtatalo sa awayang pisikal hang­gang makakuha umano ng patalim ang suspek at saksakin sa dibdib ang kanyang kuya. Matapos ang insidente ay tumakas ang sus­pek subalit ma­kalipas ang ilang oras ay su­muko din ito sa pulisya.

Kasalukuyang nakapiit sa Marikina ­cell ang suspek habang inihahanda ang kasong isa­sampa laban dito. (Edwin Balasa)

Show comments