^

Metro

10 mangingisdang Vietnamese, idineport ng BI

-

Ipinatapon ng Bureau of Immigration (BI) kamakailan ang sampung mangingisdang Vietnamese na naaresto sa Palawan noong nakaraang taon dahil sa pangingisda sa kara­gatang sakop ng Pilipinas.

Inihayag ni Immigration Commissioner Marcelino Liba­nan na ipinatapon ang mga ma­ngingisdang Vietnamese pag­ka­tapos ng isang taon at limang buwang pagkakakulong.

Ayon kay Libanan, hinatulan ng isang Regional Trial Court sa Palawan ang mga mangingisda na nahuli ng maritime authori­ties sa karagatan malapit sa Bala­bac Island noong March 31, 2007. Dagdag pa ni Liba­nan, ang mga Vietnamese ang pi­na­ka­maraming bilang ng dayu­han sa 26 foreigners na ipina-deport ng BI noong Set­yembre dahil sa paglabag sa immigra­tion laws ng Pilipinas.

Dahil sa pagkakatapon sa mga nasabing undesirable aliens, ngayon ay nasa 67 na lang ang dayuhang nakadetine sa immigration jail sa Bicutan. Apat sa 26 dayuhan na ipina­tapon ng BI ay sangkot sa ma­laking krimen at pinagha­hanap sa kanilang bansa, ayon pa kay Libanan.

Ayon naman kay BI Asso­ciate Commissioner Roy Al­moro, dalawa sa mga pugante ay Tai­wanese nationals na sina Kuo Hsiang Ting at Chin-Chun Lu, na parehong sangkot sa pa­memeke.

Kinilala ni Almoro ang da­lawa pang pugante na sina Kriss McCord, isang Briton at nahatulan sa kasong child mo­lestation, at Patrik Olof, isang Sweden na wanted sa kasong fraud at embezzlement. (Butch Quejada)

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CHIN-CHUN LU

COMMISSIONER ROY AL

IMMIGRATION COMMISSIONER MARCELINO LIBA

KUO HSIANG TING

LIBANAN

PALAWAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with