Bumaha ng beer sa Valenzuela

Lumikha nang pagsi­sikip sa daloy ng trapiko at pinagkaguluhan ng mga residente sa lungsod ng Valenzuela ang isang 10-wheeler truck na may lamang mga beer ma­ta­pos itong maaksi­dente na naging sanhi upang bu­maha ng beer sa lansa­ngan, kahapon ng mada­ling-araw.  

Ayon sa report ng Valenzuela City Police, dakong alas-2:00 ng madaling -araw nang bigla na lamang mawalan ng kontrol ang trak na may plakang CWA-735, na minamaheno ni Dennis Depanay sa kahabaan ng McArthur Highway, Brgy. Balubaran ng nasabing lungsod. 

Nabatid na iniwasan ni Depanay ang isang multi-cab na hindi na nakuha ang plaka dahilan upang hindi nito makontrol ang preno.

Dahil dito, naglag­lagan ang kargang mga beer na pinagkaguluhan ng mga residente dito.

Wala namang iniulat na nasaktan sa naganap na insidente ngunit hindi na nabawi pa ng mga awto­ridad ang mga kinu­ hang beer ng mga resi­dente habang ilang oras ding nagkaroon nang pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sa kumalat na mga basag na bote. (Lordeth Bonilla) 

Show comments