Umiwas sa utang, nagbigti

Pinaniniwalaang bu­nga ng dinadalang prob­lema sa pagkakautang sa kanilang lalawigan kaya naisipang magbigti ang isang 22 anyos na binata na ikina­sawi nito. sa Tondo, May­nila kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Mark Daniel Dungca, pan­sa­mantalang nanunu­luyan sa #1441 Sevilla Extn., Tondo.

Dakong alas-11:00 ng umaga nang madiskubre ni Charlie Rivera, tiyuhin ni Dungca, na nakabitin ito sa berdeng nylon cord sa loob ng kaniyang bahay.

Kararating pa lamang ng biktima mula sa Ba­liuag, Bulacan at naiku­wento nito na sinisingil siya ng mga pinagkautangan sa kanyang probinsiya kaya siya lumuwas ng Maynila. (Ludy Bermudo)

Show comments