Night spots sa QC ipapasara

Binalaan kahapon ni Quezon City Mayor Feli­ciano Belmonte ang mga may-ari ng mga night club o fun houses sa lungsod na mapipilitan ang pama­halaang-lung­sod na ipa­sara ang mga ito kung hindi magba­bayad ng kaukulang buwis.

Ginawa ni Belmonte ang babala nang ireport sa kanya ni City Trea­surer Victor Endriga na ang kabang-yaman ng lungsod ay nawalan ng P47,550,000 mula taong 2005 hanggang 2007 dahil sa hindi pagba­bayad ng may 300 night spots sa Cubao at Que­zon Avenue ng kanilang buwis.

Bawat night spot ay obligadong magbayad ng P500 kada araw bilang show fee pero hindi pa rin tumatalima ang mga ope­rators at may-ari ng mga establi­sim­yentong ito.

“Kaibigan natin sila pero, kung hindi sila su­sunod sa batas, mapi­ pi­litan tayong ipasara sila. Dapat nilang ma­laman na seryoso tayo sa bagay na ito,” pa­ hayag ng alkalde. (Angie dela Cruz)

Show comments