Maruming yelo sanhi ng pagkalason sa may 100 pupils

Posibleng maru­ming yelo ang dahilan ng pag­kakasugod ng may 100 estudyante ng Jose Co­razon Elementary School sa Tondo dahilan ng pag­kalason ng mga ito, ayon sa Department of Education (DepEd).

Ayon kay DepEd Assistant Secretary for Special Concern Thel­ma Santos, base sa ­natanggap nilang im­pormasyon ay maru­ming yelo mula sa hindi pa binanggit na ice plant ang sanhi ng pagkakasakit ng mga estudyante na kara­mihan ay nasa grade 1 hanggang grade 5 na kumain ng mais con yelo noong nakaraang Biyernes.

Gumawa na ng aks­yon ang DepEd at na­ki­pag-ugnayan na sa ibat-ibang ahensya na responsable para ma­pasara na ang natu­rang ice plant.

Sa ngayon, ayon kay Trinidad Galang Principal ng Jose Corazon Elementary School ay 38 pa ring mga estud­yante ang kasa­lu­ku­yang nasa pagamutan.

Sinabi pa ni Galang na sinagot na rin ng kanilang eskwelahan ang mga gastos ng lahat ng mga estud­yanteng na-ospital.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang mo­nitoring ng DepEd sa mga estudyanteng na­biktima habang ­isi­­nara ang school canteen ng nasabing es­kwelahan subalit patuloy naman ang regular classes. (Danilo Garcia)

Show comments