Unioil nagbagsak ng presyo ng petrolyo

Binulaga ng small player na Unioil ang pub­liko matapos na mag­sa­gawa ito ng anunsyo na muli silang magka­karoon ng rollback sa presyo ng kanilang pro­duktong pe­trolyo na ma­ituturing na pina­kama­laking isang bagsak presyo ng natu­rang kom­panya ng langis.

Dakong alas-2 ng ha­pon ngayong araw ipapa­tupad ang panibagong P3 kada litrong rollback sa presyo ng kanilang gaso­lina habang P2 naman kada litro ang iba­baba ng presyo ng ka­nilang produk­tong diesel at kerosene.

Ayon sa pamunuan ng Unioil, ang paniba­gong rollback ay bunsod na rin ng patuloy na pagbagsak ng presyo ng Dubai crude, ang pinag­babatayan ng presyo ng mga kompanya ng langis sa Asya kabilang na ang Pilipinas.

Umaabot na lang sa $87.92 kada bariles ang presyo ng krudo sa world mar­ket mas mababa ng ma­higit sa $60 kada bari­les mula ng pumalo ito ng all time high na $147 kada bariles noong buwan ng Marso. Dahil sa pagpapa­tupad ng bagong rollback ng Uni­oil, sigurado na pi­pila­han ng motorista ang lahat ng kanilang re-filling station dahil mas makaka­­mura ang mga ito ng P3 kada litro sa presyo ng ga­soline at P2 naman kada litro sa presyo ng diesel kumpara sa ibang kom­panya ng langis.

Ayon naman sa pa­mu­nuan ng Department of Energy (DOE) Director Zenaida Monsada, ang pagbagsak presyo ng pro­duktong petrolyo ng Unioil ay nangangahu­lugan na mayroong na­ga­ganap na kom­pitensya sa mga kom­panya ng langis.

Nagpahabol pa ang pa­munuan ng Unioil na kung magpapatuloy ang pag­baba ng presyo ng krudo sa world market ay inaasa­han ng publiko na masu­sun­dan pa sa mga su­sunod na araw ang ka­nilang rollback.

Show comments