Dalaga pumalag sa holdap, kritikal

Nasa kritikal na kon­­disyon ang isang 25-anyos na dalaga ma­tapos na man­­laban sa isang holda­per na nagtangkang kunin ang kanyang cellphone, kama­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Siyam na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan ang tinamo ng bikti­mang si Sheilla Torlao, dalaga, ng Clinman Court Bldg., Burgos St., Pasay bago tuluyang binitiwan ang hawak na Nokia model 6070 na nag­ka­ka­halaga ng P2,800 na puwer­­sa­hang kinuha sa kanya ng arma­ dong suspect.

Kaagad namang isinu­god sa Pasay City General Hospital si Torlao na hang­gang sa kasa­lukuyan ay patuloy pa ring nasa kritikal na kondisyon.

Nadakip naman sa gina­wang follow-up opera­tion ng pu­lisya ang suspect na si Wilmar Esmeria, 19, tri­cycle driver, ng #2553 Zamora St., Pasay city matapos ma­tun­ton sa isang eskinita sa F. Fernando St.at nabawi sa kanya ng pulisya ang kinu­limbat na cell­phone sa biktima.

Batay sa ulat, hawak ang cell­phone at nagte-text habang naglalakad ang biktima dakong alas-8:40 ng gabi nang tutukan ito ng patalim ng suspek at magdeklara ng holdap.

Sapilitan umanong hi­ni­ngi ni Esmeria ang ha­wak na cell­phone ng da­laga subalit tu­mang­gi ito at nanlaban kaya’t inundayan siya ng sunud-sunod na saksak ng suspect.

Duguang bumulagta ang bik­tima kaya’t lumu­wag na ang pagkakaha­wak niya sa cell­phone hanggang sa tuluyan na itong makuha ng suspect. (Lordeth Bonilla)

Show comments