Sama ng panahon, namataan sa Bicol

Isang  active low-pressure ang namataan sa  Bicol region na maaaring maging ganap na bagyo sa su­sunod na  24 hanggang  36  na oras.

Ayon sa  Philip­pine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Ser­vices Administration (Pagasa), ganap na alas-11 ng umaga, namataan ang sama ng panahon  sa layong  670 kilometro (km) ng silangan ng  Bicol Re­gion na siyang magdadala ng mga pag-uulan sa buong  Central at Southern Luzon gayundin sa Eastern Visayas.

Ka­ugnay nito, pinapayuhan ng Pag Asa ang mga naka­tira sa nabanggit na mga lugar na mag-ingat dahil sa patuloy na  pag-uulan na mararanasan dito at banta sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides sa naturang mga lugar. (Angie dela Cruz)

Show comments