Kalaboso ang isang 31-anyos na amain matapos nitong pagnasaan at hipuan sa maseselang bahagi ng katawan ang 13- anyos na dalagitang anak ng kanyang kinakasama kamakalawa ng madaling-araw sa Pasay City.
Nanginginig pa sa takot nang magsumbong sa pulisya ang biktimang itinago sa pangalang “Janna”, estudyante ng nasabing lungsod, dahil sa ginawa sa kanya ng suspek na si Pastor Lim ng Pio del Pilar, Makati City.
Natutulog si Janna sa kanyang kuwarto nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang kaliwang kamay kaya napadilat siya at nagulat nang makita niyang katabi na niya ang suspek sa kanyang hinihigaan. Bukod dito, ginamit ng suspek ang kamay ng dalagita sa paghimas ng kanyang ari.
Agad pumalag ang biktima pero inilapit pa lalo ng suspek ang katawan nito sa katawan ng dalagita sabay yapos pa nito at biglang hinawakan ang kanyang dibdib.
Bagaman takot na takot ang biktima sa ginagawa sa kanya ng amain, makaraan ang ilang saglit ay kaswal na itong tumalikod at umalis papunta sa tabi ng kanyang ina at niyakap din ito ng suspek.
Dito na tumayo sa pagkakahiga ang biktima at agad na lumabas ng bahay upang magsumbong sa mga awtoridad. (Rose Tamayo Tesoro)