^

Metro

Katulong na lumason sa mga amo, arestado

- Ni Ludy Bermudo -

Nagtagumpay ang Manila Police District (MPD) sa gi­nawang pagtugis sa isang ka­tulong na miyembro ng sindi­katong nilalason muna ang mga among Tsinoy at kapwa ka­sambahay bago isasagawa ang pagnanakaw nang ma­lam­bat ito sa bahagi ng Que­zon City, kahapon ng umaga.

Kasalukuyang nakapiit ngayon sa MPD-Station 11  ang suspect na si Annamie Librando, 30, dalaga, tubong- Cebu at residente ng F. Duhat St., Project 7, Quezon City

Sa ulat ni P/Supt. Nelson Yabut, dakong alas-10 ng umaga nang madakip ang suspect sa loob ng isang ka­rinderya sa lungsod Quezon.

Positibo naman itong iti­nuro ng kanyang mga naging biktima. Nabatid na matagal  nang pinaghahanap ang na­sabing katulong matapos ang serye ng pagnanakaw nito ng mga alahas at salapi sa mga pinasukang amo parti­kular ang mga mayayamang Tsinoy sa Binondo at Sta. Cruz, Maynila.

Ang modus operandi umano ng suspect ay kinaka­ibigan ang mga guwardiya at kinukumbinse ang mga ito na ipasok siya bilang katulong. Sa oras na siya ay matang­gap, magpapakita ito ng ka­ba­itan upang kagiliwan ka­agad at saka isasagawa ang maitim na balak.

May bitbit na umano itong dry powder na inihahalo sa pag­­kaing niluto, kape, tubig, juice at iba pa upang matiyak na mala­lason o masisira ang tiyan ng lahat ng mga ka­sama sa bahay. Habang nasa os­pital ang kanyang mga nilason  ay saka naman si­simu­tin umano ang mga alahas at salapi ng amo.

Sa kaso ng ibang biktima, siya pa mismo umano ang nag­dala sa ospital sa amo at habang nakaratay sa paga­mutan ang mga amo, bu­mabalik ito sa bahay ng amo upang magnakaw at tuluyang tumakas.

Sa pag-amin umano ng bik­tima na miyembro siya ng sindikato, inginuso niya  ang isang Rita Manabat Mendoza, isang alahera na ‘utak’ umano ng pagsusuplay ng kemikal na dry powder para ihalo sa pag­kain at inumin ng bibiktimahin.

Ibinunyag pa ng suspect na 10 porsyento lamang umano sa kanilang nakuku­lim­bat ang napupunta sa kanya at ang ibang bahagi ay napupunta sa sindikato.

Kabilang sa nagreklamo sina Vina Sy na natangayan ng P200,000 cash at alahas noong Agosto 5, 2008; isang Benito Tan na nawalan ng mga alahas noong Agosto 19, 2008, at isa pang insidente umano ang Pua family na tina­ngayan ng P45,000 cash at alahas.

AGOSTO

ANNAMIE LIBRANDO

BENITO TAN

SHY

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with