Traffic enforcer pisak sa tractor truck

Pagkabasag ng bu­ngo ang  ikinasawi ng isang mi­yembro ng Ma­nila Traffic and Parking Bu­reau (MTPB)-Manila City Hall matapos  maha­gip ng tractor truck at makalad­kad ang sina­sak­yang motor­siklo nito sa Road 10, Tondo, Maynila.

Patay na nang idating sa pagamutan ang bikti­mang si Jack Asis, ng 51 Gate 60 Area H, Parola Compound, Tondo.  Agad namang su­muko ang driver ng tractor na  si Ben­jamin Lalig, ng KNB Sitio Masagana Village, West Bicutan, Taguig City.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa harapan ng Manila Harbor Center Road 10, Vitas Tondo, Maynila.

Nabatid na nagmula sa north-bound ang mi­na­ma­ne­hong motor­siklo ng bik­tima nang mag-‘U-turn’ sa harapan ng Ma­nila Harbor Center ha­bang rumara­gasa na­man ang papara­ting na truck na minama­neho ni Lalig at nahagip ito da­hilan upang tumilapon ang biktima at maka­ladkad ang motorsiklo. Kasong reck­less impru­dence re­sulting in homi­cide ang kinakaharap ng suspect. (Ludy Bermudo)

Show comments