1 pang Smith inabuso ang katulong

Nasa kustodiya ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang Ameri­kano na may apelyidong “Smith”  makaraang ireklamo ng 13-anyos niyang katulong ng pangmomolestiya at pag­kulong sa kanya sa loob ng bahay ng una sa naturang lungsod.

Nakilala ang suspek na si Bobby Gene Smith, 45, may-asawa, tubong-South Carolina, USA at kasalukuyang nanunulu­yan sa #15 Manga Road, Unit 36 Casa Nueva Town House, Brgy. Mariana, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng hapon nitong nakaraang Linggo, nasa loob ng banyo ang biktimang itinago sa pangalang Amy nang ikandado umano siya ng suspek sanhi upang makulong ng higit sa isang oras.

Nakalabas lamang ang biktima nang dumating ang kasamahan niyang ka­tulong na si Mikee  na nagbukas ng pinto.  Dito nagtatakbo palabas ng bahay ang biktima at humingi ng tulong sa mga guwar­diya ng condo na siyang nagdala naman sa kanya sa istasyon ng pulisya.

Sinabi pa ng biktima na nakakulong siya ng dalawang linggo sa loob ng bahay ni Smith at madalas siyang inaabusong seksuwal. Pinakahuling pangyayari umano ay naganap nitong Agosto 16 nang pasukin siya sa tinutulugang kuwarto ng suspek.

Inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa suspect. (Danilo Garcia)

Show comments