Kritikal ang isang 22-anyos na ina matapos itong duguin nang ipalaglag sa isang abortionist ang batang dinadala niya sa kanyang sinapupunan kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Isinugod sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Merry Mahel Rusit ng #1897 Panday Pira Extn., Tondo.
Pinaghahanap naman ng mga kagawad ng Manila Police District ang hindi pa pinangalanang aborsiyunista na residente ng Bo. Magsaysay, Tondo.Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na noong Agosto 6, nagtungo ang biktima sa naturang aborsiyunista sa Bo. Magsaysay tungkol sa problema sa kanyang sinapupunan.
Dito, binigyan ng abortionist ng isang cytotech tablet ang biktima at ipinalagay sa kanyang ari subalit hindi umepekto dahil hindi ito dinugo kaya muli itong bumalik sa abortionist. Muling pinalagyan ng aborsiyunista ng cytotech ang ari ng biktima upang duguin ito.
Dinugo naman ang biktima kinalaunan pero hindi ito huminto sa sumunod na mga araw hanggang maospital. (Gemma Amargo-Garcia)