4 na holdaper na nag-ala-Robin Hood, timbog

Arestado ang apat na hol­daper makaraang mag-ala Robin Hood ang mga ito at ma­migay ng pera sa mga kapit­bahay bilang balato sa kanilang nakulimbat na ma­laking halaga ng pera na nakuha nila sa hinoldap na drug store sa Mandaluyong City.

Kinilala ang mga narestong suspek na sina Jaylord Men­diola, 19, Allan Mendiola, 27, Erwin Rodriguez, 29, at Michael Payag, 20, mga mi­yem­bro ng “Sigue-Sigue Sput­nik” at pawang mga resi­dente ng Brgy. Barangka ng nasabing lungsod.

Ayon kay Sr. Supt. Carlos De Sagun, hepe ng Manda­luyong police, nilooban ng mga suspek ang South Star Drug store na matatagpuan sa lung­sod noong Hulyo 21 kung saan tinutukan ng mga ito ang se­curity guard ng drug store at kunin ang service firearm nito. Matagumpay na nakuha ng mga suspek ang halagang P138,000 na kinita ng drugstore bago mabilis na nagsitakas.

Sa ginawa namang follow up operation ng pulisya, na-monitor ng mga ito na nagbi­bigay ng P500 sa mga kapit­bahay ang mga suspect.

“Tila nais pa nilang maging makabagong Robin Hood. May naka­pagsabi sa amin na namu­mudmod daw sila ng pera sa kanilang lugar kaya nagsagawa agad kami ng operation that resulted in their arrest,” pa­hayag ni De Sagun.

Bagamat itinatanggi ang akusasyon sa kanila ay positibo namang itinuro ng mga emple­yado ng hinoldap na drug store ang apat na silang nanloob sa kanila.

Lumalabas pa sa gina­wang im­bes­tigasyon ng pu­lisya na sangkot ang mga sus­pek sa mga holda­pang naga­ganap sa iba’t ibang lugar sa Mandaluyong

Kasalukuyang nakapiit ang mga ito sa Mandaluyong deten­tion cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito. (Edwin Balasa)

Show comments