^

Metro

Eroplano ng PAL, binangga ng tow truck

-

Nabigla ang mga nagsasakayang pasahero ng Philippine Air­lines (PAL) sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Cen­tennial Terminal 2 patungong Davao City matapos na banggain ang nagsasakay na eroplano ng isang tow truck kahapon ng umaga. Ayon kay Asst. General Manager Octavio “Ding” Lina, agad na ni-reset ang paglipad ng PAL flight PR-811 (Airbus 330) patungong Davao City na dapat ay umalis ng alas-10:25 ng umaga kahapon makaraang aksidenteng banggain ng PAL tow truck.

Nabunggo ng tow truck ang nose wheel ng nasabing eroplano na nagsasakay ng daan-daang pasahero nang mawalan ng preno ang truck sa may runway. Biglang nagsigawan ang mga naka­sampa nang pasahero nang makaramdam ng mabilis na paggalaw ng eroplano sanhi ng lakas ng pagbangga ng tow truck.

Gayunman, sinabi ni Lina na wala namang iniulat na nasaktan sa nasabing insidente. Ang naturang flight na magsasakay sana ng 27 business class at 223 economy passengers ay itinakdang uma­lis din ng alas-12:30 ng hapon at posibleng gagamit ng ibang eroplano. Kasalukuyang tinitingnan pa ang pinsala ng naturang eroplano. (Ellen Fernando)

AYON

BIGLANG

DAVAO

DAVAO CITY

ELLEN FERNANDO

GAYUNMAN

GENERAL MANAGER OCTAVIO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE AIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with