Paninigarilyo bawal sa LRT

Simula kahapon ay ma­higpit na ipinagbabawal na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa pub­liko o mga commuters ang pa­­ni­nigarilyo sa mga istas­yon, gusali at alin­mang pa­silidad partikular na sa loob ng kanilang mga tren.

Ang nasabing panuka­la ay pinagtibay matapos na lagdaan kamakalawa ni LRTA Administrator Mel­quia­des A. Robles ang na­sabing kautusan para sa mahigpit na implementas­yon ng “No Smoking” po­licy sa lahat ng bisinidad na kinasasakupan ng LRTA.

Bunga nito, unang si­nampolan rin ni Robles sa pagpapatupad ng nasa­bing kautusan ang lahat ng mga kawani ng LRTA kung saan sinabihan niya ang mga ito na huwag mani­ga­rilyo sa lahat ng pampub­likong lugar alinsunod sa polisiya ng pamahalaan para sa kapakanan ng ka­lu­sugan ng bawat indibid­wal at sa pangangalaga ng kapaligiran.

Nabatid na base sa RA 9211 o Philippine Tobacco Regulations Act ay ma­higpit na ipinagbabawal sa nasa­bing batas ang pani­niga­rilyo sa lahat ng mga pam­publikong lugar. (Rose Ta­mayo-Tesoro)

Show comments