Sanggol itinapon

Isang bagong silang na sanggol na hubo’t hubad ang natagpuang patay at lumu­lutang sa isang kanal sa Sta. Mesa, Manila kahapon ng umaga.

Hinihinalang itinapon at nalunod sa kanal ang sanggol hanggang mamatay ito.

Dakong alas-6:45 ng umaga nang madiskubre ang sanggol na lumulutang sa isang kanal sa Ang Buhay St., V. Mapa, Sta. Mesa.

Dinala ang labi ng biktima sa Uni­versal Funeral Parlor para sa safekeeping nito. (Grace Amargo-dela Cruz)

Show comments