Binata todas sa lamayan

Matapos na makipag­lamay ang isang 37-anyos na helper, ito naman ang pinaglalama­yan ngayon matapos saksakin at ma­patay ng isang estrang­herong lasing kahapon ng madaling-araw sa Binondo, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital sanhi ng saksak sa katawan  ang biktimang si Manuel Uy, binata, ng #656 Lara St., Del Pan, Binondo. Agad namang tumakas ang suspect na nakilala lamang sa alyas na   Alex, 37, matapos ang isinagawang krimen.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-12:45 ng madaling-araw nang ma­ganap ang insidente sa harapan ng isang bahay sa Lara St., Del Pan, Binondo, Maynila.

Nag-iinuman ang bik­tima, suspek at ilang kala­lakihan habang naki­kipag­­lamay nang magka­pikunan sa kanilang ku­wentuhan.

Kaagad umanong uma­lis ang  suspek subalit ma­kalipas ng ilang minuto ay bumalik ito dala ang isang patalim at bigla na lamang sinugod ang bik­tima at walang sabi-sabing pinag­sasaksak ito.

Nagkaroon ng kagulu­han sa lamayan kayat sinamantala ito ng suspek at mabilis na tumakas. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments