^

Metro

8 kinasuhan sa Glorietta blast

-

Isinulong na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong kriminal  sa Makati Regional Trial Court (RTC) laban sa walo katao na responsable sa naganap na pagsabog sa Glorietta 2 mall sa Makati City noong Oktubre ng nakaraang taon.

Sa ipinalabas na resolusyon ng DOJ Task Force Glorietta, mga kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injuries ang isinampa sa Makati RTC laban sa 8 katao na direk­tang may pananagutan sa nasabing insidente.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Engr. Can­delario Valdueza, project engineer ng Makati Super­market Corp., Clifford Arriola, operations manager ng Marchem Industrial Sales and Services, supervisor na si Joselito Buenaventura at mga maintenance personnel na sina Charlie Nepomuceno, Jonathan Ibuna at Juan Ricafort.

Nadawit din sa kaso ang operations manager ng Metalline Enterprises na si Engr. Ricardo Cruz at ang foreman na si Miguel Velasco Jr.

Ayon sa panel, mayroong sapat na dahilan upang litisin sa nasabing kaso ang mga suspek.  Ligtas naman sa kaso ang pamilya Ayala ma­tapos na ipawalang-sala ang Ayala Property Manage­ment Corp. at ang mga kawani nito na sina build­ing engineer Marcelo Botones, building admi­nis­trators Jowell Valdez at  Arnel Gonzalez.

Ang Ayala property management corporation ang nangangasiwa sa pagpapatakbo ng Glorietta malls.  Bukod sa pamilya Ayala, abswelto rin sa kaso ang mga opisyal ng Bureau of Fire Protection na sina SF04 Anthony Greay, SF02 Leonilo Balais at fire safety inspector Reynaldo Enoc.

Ang mga naturang kawani ng BFP ay unang sinangkot sa kaso dahil sa kabiguang inspeksyu­nin ang naturang establisimento subalit nilinaw ng DOJ na walang sapat na basehan upang litisin sa hukuman ang mga nasabing empleyado. (Gemma Amargo-Garcia)

ANG AYALA

ANTHONY GREAY

ARNEL GONZALEZ

AYALA

AYALA PROPERTY MANAGE

BUREAU OF FIRE PROTECTION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with