Bangko sa MM nilibot ni Razon

Bilang bahagi ng kampanya laban sa hol­dapan, sinimulan na kahapon ni Philippine National Police Chief Director General Avelino Razon  Jr. ang pag-iins­peksyon sa ipinatutupad na seguridad sa  mga bangko sa Metro Manila.

Ang hakbang ay ma­tapos naman ang ma­lagim na Rizal Commercial Banking Corporation bank robbery/hold­up mas­sacre sa Cabu­yao, Laguna na ikina­sawi ng 10 katao.

Kasabay nito, inata­san ni Razon ang mga police district directors sa Metro Manila na magpa­tu­pad ng ‘security clustering system’.

Kahapon, pinangu­na­han ni Razon ang pag­lilibot sa mga bang­ko sa Metro Manila kung saan inuna nito ang mga bangko sa commercial na distrito ng Araneta Center sa Cubao, Que­zon City.

Nabatid na ang Que­zon City area ang may pinakamaraming mga bangko na aabot sa 130 ang bilang.

Kasabay nito hiniling ni Razon  sa pamunuan ng mga bangko sa National Capital Region  na  ipatu­pad ang mahigpit na se­gu­ridad sa kani­lang mga tanggapan par­tikular ang pagla­lagay at pag­pa­­pa­gana ng Closed Circuit Tele­­vision camera upang ma­iwasan ang kahalin­tulad na pangya­yari sa madu­ gong bank massacre sa Laguna. (Joy Cantos)

Show comments