PCP commander, sinibak dahil sa kapabayaan

Makaraang mabigong   masawata ang sunud-sunod na nakawan ng  copper wire at  lamp post  sa kanyang nasasaku­pan, sinibak  na  sa pu­westo ni Acting Manila Mayor Isko Moreno ang Manila Bay PCP com­mander na si  Sr. Insp. Arnold Ibay.

Inihayag ni Moreno ang   usapin kay MPD director Chief  Supt. Roberto Rosales kung saan sinabi  nito ang pagre-relieve sa puwesto ni Ibay. 

Una nang inireko­menda ni Secretary to the Mayor Atty. Rafaelito Garayblas  ang pagsibak kay Ibay sa puwesto bunsod na rin ng  kapaba­yaan nito sa kan­yang  tungkulin. (Doris Franche)

Show comments