8 holdaper todas
Walong holdaper na pinaniniwalaang kabilang sa “Waray-Waray group” ang nasawi matapos na makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa paanan ng tulay sa Delpan sa Tondo, Maynila kahapon ng hapon.
Apat sa walong suspek ang dead-on-the-spot, tatlo rito ay pawang nakasuot ng shorts at t-shirt, habang ang isa ay naka-fatigue at armado ng baril.
Apat pa sa mga kasamahan ng mga ito ang nasawi habang isinusugod sa
Ayon sa mga doktor ng ospital, isa sa suspek ay nakasuot din ng fatigue uniform, habang ang iba ay naka-short pants at t-shirt.
Nadamay naman ang isang bystander na si Rizaldo Canares na may tama ng bala sa kanang hita.
Sa inisyal na report ng pulisya, dakong ala-1:23 ng hapon nang maganap ang engkwentro sa paanan ng Delpan bridge, Tondo.
Nabatid na nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang pamunuan ng MPD tungkol sa isasagawa umanong panghoholdap ng isang grupo ng kalalakihan sa isang gasolinahan malapit sa Manila Hotel. Dahil dito, nagtatag ng mga checkpoint ang pulisya sa mga posibleng daanan ng mga suspect.
Nabatid na sinita umano ng mga operatiba ng MPD-Station 2 (Tondo) ang sinasakyan ng mga suspek na isang kulay maroon na Nissan Urvan (ZEY 778) subalit imbes na tumigil ay pinasibad ang kanilang sasakyan gayunman rumampa ito sa center island dahilan upang bumaba ang isa sa kanila at nagpaputok sa mga rumespondeng tauhan ng pulisya.
Nagbabaan din ang iba pang suspek mula sa sasakyan at nakipagpalitan ng putok sa kapulisan na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspect.
Tinangkang magtago sa isang napadaan na kulay puting pick-up (WJY 692) ang apat pa sa suspek subalit napatay din nang makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng MPD. Nakuha sa crime scene ang ilang piraso ng kalibre .45 at kalibre 38.
Napag-alaman na ang naturang grupo ay sangkot sa serye ng holdap, carjack at maging gun for hire.
- Latest
- Trending