13 pulis sinibak

Labing-tatlong pulis sa Kalakhang Maynila ang ti­nanggal sa puwesto ha­bang apat pa ang sinus­pinde ng National Capital Region Police Office ka­ug­nay ng pinaigting na kam­panya laban sa mga pulis na sangkot sa ka­tiwalian.

Kinilala ni NCRPO Chief Director Geary Barias  ang mga tinang­gal sa tungkulin na sina  P/Insp. Mario Ma­tibag, SP01 Rolando Bea­quin, SPO1 Jamalito Dela Cruz, PO3 Marianito Rue­das, PO3 Ferdinand Co­loma, PO3 Hilario Gre­gorio, PO2 Bienvenido Cinco, PO2 Arlan Alba, PO2 Eligio Valencia, PO2 Eustaquio Catchin, PO1 Dennis Ber­nabe, PO1 Chris­topher La­jom and PO1 Emard Orallo, pa­wang nakatalaga sa Ma­nila Police District (MPD).

Sinabi ni Barias na ina­­ prubahan na rin niya ang pag­suspinde sa apat na miyembro ng Quezon City Police District Cri­minal In­vestigation and Detection Unit.

Ang apat na sinuspinde ay nakilalang sina SPO1 Danilo O Pading, PO2 Raul Tinana, PO1 Romualdo Ba­cani at PO1 Darlito Pinzon.   (Joy Cantos)

Show comments