Doktora lasog sa bus

Pisak ang katawan ng isang doktora nang masagasaan ng pam­pasaherong bus sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Dra. Lilia Calsado,   resident doctor ng Quirino Memorial Medical Center. Arestado naman ang driver ng Mega Bus makalipas ang ma­ikling habulan, na nakilalang si Narjito Aurellano, 35.

Batay sa ulat ng Quezon City Police Traffic Sector-3, dakong alas-11:25 ng umaga nang maganap ang aksidente sa panu­lukan ng 20th Avenue at P. Tuazon St., Project 4. Sa pagsisiyasat, nabatid na tumatawid ang biktima sa tapat ng QMMC nang mabundol ng naturang bus. Tuluyang hindi na naka­ligtas pa ang biktima nang magulungan ito ng bus sanhi ng kalunus-lunos na kamatayan ng biktima. Nakadetine ngayon sa Quezon City Traffic detention cell ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong reckless im­prudence resulting to homicide. (Danilo Garcia)

Show comments