Helper kinaladkad ng truck

Patay agad ang isang deli­very helper makaraang maka­ladkad ito pati ang sina­sakyan nitong  mountain bike ng isang rumaragasang  truck kamaka­lawa ng gabi sa Caloo­can City.

Kinilala ni Sr. Insp. Abner Yam­ bao Castro, hepe ng Ca­loocan City Traffic Enforcement Unit, ang biktima na si Cris­tian B. Rejuso, nasa hustong gulang, ng Kaun­laran Village, Barangay Longos, Malabon City.

Kusa namang sumuko sa mga awtoridad habang na­ha­­harap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver na si Danilo Datu­layta, 55.

Bumabagtas sa panulu­kan ng Dagat-Dagatan Ave­nue at C-3 Road  sa naturang lunsod ang bisikleta ng biktima nang masagi ito ng truck.

Nalaglag ang biktima sa sementadong kalsada hang­gang sa kaladkarin ito ng truck. (Lordeth Bonilla)

Show comments