C-5 road iwasan
Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga motorista na iwasan na munang dumaan sa southern portion ng C-
Dahil dito, inaasahan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa naturang lugar at upang hindi maabala o maipit sa trapiko ay umiwas na ang mga motorista o dumaan na lamang sa mga alternatibong madadaanan.
Sa kabila nito, siniguro naman ng pamunuan ng MMDA na maraming traffic enforcers ang kanilang itatalaga sa lugar upang gabayan ang mga motorista.
Sa panayam kay MMDA Traffic Operations Chief Roberto Esquivel, ang na sabing konstruksyon ay bunga ng itinatayong elevated U-turn roadway na siya umanong solusyon sa dati nang inirereklamong masikip na daan ng C-5 dala na rin ng maraming bilang ng mga sasakyan na dumaraan dito.
Pinayuhan rin ng MMDA ang mga motorista na manggagaling sa Rizal province na kumanan na sa Amang Rodriguez, kanan ulit
- Latest
- Trending