Penal colony tataniman ng palay
Ikinokonsidera ng lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa,
Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni Puerto Princesa, Palawan Mayor Edward Hagedorn na matagal nang pinakikinabangan ng ilang mga preso ang Iwahig Penal Colony sa nasabing lalawigan dahil sa mga nakatanim na mga palay at iba pang gulay dito.
Anya, tinatatayang karagdagang 40 milyong tonelada ng palay ang maaaring ibigay ng Iwahig Penal colony sa produksyong bigas ng National Food Authority (NFA) at Department of Agriculture (DA).
Ipinagmalaki pa ng alkalde na ang 25,000 ektaryang lupain ng Iwahig ay napapalibutan ng 60 porsiyento hanggang 70 porsiyentong kagubatan.
Idinagdag pa ni Hagedorn na nag-commit na rin umano si Bureau of Correction (Bucor) chief Oscar Calderon na ibibigay nito ang limang ektaryang lupain na maaaring pagtaniman ng palay. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending