NBI pasok sa Asdala slay
Magsasagawa na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) ng hiwalay na imbestigasyon kaugnay sa pagpaslang kay Commission on Election (Comelec) Law Department OIC na si Atty. Wynne Asdala.
Ayon kay NBI Director Nestor Mantaring, ang pagpasok ng NBI sa nasabing kaso ay bunsod na rin ng kahilingan ni dating Associate Justice at ngayon ay Comelec Chairman Jose Melo.
Sinabi pa ni Mantaring na bubuo ang NBI ng isang fact- finding committee na siyang mangunguna sa nasabing imbestigasyon. Aniya, ikinatuwiran ni Melo na mas mapapadali ang pagresolba sa kaso ng pagpatay sa mga opisyal ng Comelec kung magkatulong ang NBI at ang pulisya sa pagtugis sa sinumang responsable rito.
Bunsod nito’y agad na pinakilos ni Mantaring ang mga tauhan upang mangalap ng mga ebidensiyang magtuturo sa pagkakakilanlan ng suspek na bumaril kay Asdala noong Marso 24, 2008 sa Intramuros, Maynila.
Samantala, nakaharap pa rin sa blankong pader ang mga operatiba ng Manila Police District-Homicide division kaugnay sa nasabing insidente.
Ayon kay Det. Dave Tuazon, wala pa ring nakukuhang witness ang pulisya matapos na patuloy na isnabin ni Rena Ballo, stenographer ni Asdala at huling kasama nito bago tambangan ang naturang Comelec official.
Aniya, hindi umano mapipilit si Ballo sa desisyon nito na manahimik dahil sa umano’y posibleng takot nito na siya ang balikan ng suspek o utak sa pagpatay kay Asdala.
Sinabi pa ni Tuazon na sa ngayon ay masusi muna nilang sinisiyasat ang anggulong may kaugnayan sa trabaho ang pagpatay sa biktima.
Si Asdala ay tinambangan habang naglalakad
- Latest
- Trending