Arestado ang isang bakla na nagpapanggap na nurse makaraang maaktuhan itong bitbit ang mga mamahaling gamit ng kaanak ng isang pasyente na naka-confine sa isang ospital, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.
Nakilala ang suspek na si John Ledesma, 35, ng Park Ave., Ka muning, Quezon City at miyembro ng kilabot na Salisi gang.
Ang suspek na nakasuot pa ng uniporme ng nurse ay naaresto ng mga security guard ng Amang Rodriguez Medical Center habang bitbit ang isang clutch bag na naglalaman ng mamahaling cellphone, pera at isang palm top computer na pag-aari ng isang kaanak ng naka-confine na pasyente ng ospital dakong alas-5:30 ng madaling-araw.
Napag-alaman pa kay Ramos na napakaraming ulat na ang kanilang natatanggap sa nagaganap na nakawan sa nasabing ospital. Nag-ooperate ang suspek habang abala ang mga nurse at doktor sa pagtingin ng mga pasyente sa emergency room. “Sobrang dami na ng complaint ng mga kamag-anak ng mga pasyente ng Amang, sunud-sunod ang nawawalan ng mga gamit doon at wala naman daw ibang pumapasok sa kanilang mga kuwarto kundi ang mga nurse at doktor. Modus operandi talaga ng suspek ang sumalisi kapag tulog o abala ang mga nurse at doktor ng ospital,” pahayag ni Ramos. Napag-alaman na nang sitahin ng mga security guard ang suspek na bitbit ang nasabing clutch bag ay nagpakilala itong nurse at sinabing naghahanap lang umano siya ng kuwarto na puwedeng lipatan ng kanyang pasyente. Eksakto namang lumabas ang may-ari ng clutch bag na nakilalang si Jumer Santos, kapatid ng isang pasyenteng naka-confine sa ospital at laking gulat nito kung bakit nasa suspek ang kanyang clutch bag kaya agad ng hinuli ng mga security guard ang huli. (Edwin Balasa)