Nanguna ang Taguig City Police sa isinagawang skills proficiency test ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa lahat ng mga alagad ng batas.
Sa kabuuang 36 police stations ng Kalakhang Maynila ay ang Taguig City Police ang nag-no.1 sa isinagawang pagsusulit at pagsukat sa kakayanan ng mga pulis sa kaalaman at pagpapatupad ng batas.
Mismong si NCRPO Regional Director Geary Barias ang nagpasimuno ng pagbibigay ng nasabing pagsusulit sa lahat ng mga kapulisan ng Kalakhang Maynila makaraang bumaba nitong mga nakaraang taon ang antas ng maraming bilang ng pulis sa kaalaman sa batas at sa tamang pagpapatupad nito.
Lumalabas sa resulta ng pagsusulit na nakakuha ng kabuuang average score na 96.46 ang Taguig Police sa pangunguna na rin ng kanilang hepe na si P/Supt. Alfred S. Corpus.
Pumangalawa ang Marikina Police (94.41), sumunod ang Parañaque Police (89.15), Pasig sa score na 88.11 at Las Pinas (87.61).
Apat din sa mga opisyal ng Taguig Police na kinabibilangan ni Corpus at nina Chief Insp. Celso M. Rodriguez; PCP-5 Dep. Commander, Insp. Ben B. Vargas; Insp. Morris W. Gumsingan ng Follow-Up Section at PO1 Salvador M. Bassig ang nakakuha ng score na 100% sa pagsusulit at sa isinagawang actual operations ng pulisya. (Rose Tamayo-Tesoro)