^

Metro

Seguridad sa Comelec hinigpitan

-

Naging mahigpit ngayon ang seguridad sa tanggapan ng Commission on Elections (Co­me­lec) matapos na tam­bangan at mapatay si Atty. Wynne As­dala, legal depart­ment officer ng komis­yon kama­kalawa ng tanghali.

Ayon kay Comelec Com­mis­sioner Rene Sarmiento, lubha silang nababahala sa isa na namang pamamaslang sa ka­nilang kasa­ mahan tulad na rin ng nangyari kay Atty. Alioden Dalaig na pinag­babaril hang­gang sa mapatay ng mga hindi pa naki­kilalang  salarin.

Bagama’t nangangamba sa kanilang segu­ridad, pi­na­­yu­han ni Sar­mien­to ang kanyang mga ka­sa­ma­han na hu­wag magpa-apekto upang hindi rin ma­apek­tuhan ang kanilang mga trabaho.

Nabatid kay Sar­mien­to na suportado nila ang re­sul­ta ng im­besti­gasyon ng Ma­nila Po­lice Dis­trict na ang pa­mamas­lang kay Asdala ay may kina­la­man din sa pa­­ma­mas­lang kay Da­laig da­hil 50 por­si­yento ng sen­­sitibong ka­so ni Da­laig ay ha­wak nga­­yon ni As­dala.

Gayunman, hinihingi nila sa pulisya ang ma­­bilis na re­sul­ta ng im­bes­tigas­yon upang ma­tukoy kung sino ang pumatay sa da­la­wang opis­yal ng Co­me­lec at kung sino ang nasa likod ng krimen.

Samantala, ipatatawag ng MPD ang stenographer na ka­sama ni  Atty. Asdala  na si Rena Ballo ng maganap ang krimen.

Ayon kay MPD-Homicide chief Dominador Arevalo, ki­na­kailangan umanong ma­kapag­bigay ng testi­monya ni Ballo  sa pulisya at mag­ bigay linaw sa likod ng mga pang­ya­yari. Hindi pa umano nagpa­pa­kita si Ballo si­mula kamaka­lawa ng hapon nang mabaril si Asdala. (Doris Franche at Grace dela Cruz)

ALIODEN DALAIG

ASDALA

AYON

COMELEC COM

DOMINADOR AREVALO

DORIS FRANCHE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with