Tumanggi sa ‘tagay’ tinodas

Dahil sa pagtanggi sa tagay ay sinaksak at napatay ang isang 36-anyos na mister ng kanyang kapitbahay na lalaki sa Bagong Silang, Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hos­pital subalit hindi na umabot pa ng buhay ang biktimang si Tarik Mohamad, ng Phase 10-A, Block 66, Lot Excess, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Tugis ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Jonathan.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Danilo Salas, napag-alamang pinuntahan ng suspek ang biktima sa bahay at inimbitahang mag-inuman subalit tumanggi ito.

Dahil dito ay napahiya ang suspek hanggang sa ma­ganap ang pamamaslang. (Lordeth Bonilla)

Show comments