Jobless na mister nagbigti

Hindi  nakayanan ng isang empleyado ng Ma­nila City Hall ang gina­ wang pagpapatalsik sa kanya sa trabaho at pag-iwan pa sa kanya ng kan­yang asawa, kung kaya’t wina­kasan na lamang nito ang kanyang buhay sa pama­magitan ng pagbi­bigti kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Hindi na nakasabay ng kanyang pamilya sa ha­punan ang biktimang na­ki­lalang si Romeo Gutierrez Jr., 35, ng  #265 Jacobina st., Tondo, Maynila.

Batay sa imbestigas­yon ng pulisya nadiskubre ang bangkay ni Gutierrez ng kanyang kapatid na si  Rowena dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Rowena, hindi na umano lumabas ang kanyang kapatid si­mula pa ng umaga ng Pebrero 26 at hindi na ito sumabay sa kanila ku­ main simula agahan kung kaya’t nagpasya itong katukin sa kuwarto ang biktima para kumain ng hapunan.

Nakailang ulit na uma­no nitong kinakatok ang biktima ngunit hindi suma­sagot kung kaya’t nag­pasya na siyang ipasira ang pintuan nito at dito na nga bumulaga sa kanila ang nakabitin niyang ka­patid.

Nabatid ng pulisya na ilang buwan na umanong hiwalay ang biktima sa kanyang asawa at kailan lang ay nasibak naman ito sa kanyang trabaho.

Posible umanong hin­ di na nakayanan ng bik­tima ang problemang dina­dala nito kung kaya’t mas pinili nitong waka­san ang kan­yang buhay. (Grace dela Cruz)

Show comments