Mag-lover niratrat habang natutulog

Pinagbabaril   habang natutulog ang isang 40-anyos na ginang  at ang ka-live-in  nito ng di naki­kilalang lalaki sa  San Miguel, Manila kahapon ng madaling-araw.

Patay sa insidente ang ginang na si Abigael de Guzman, basurero na na­matay noon din sa lugar na pinangyarihan ng krimen sanhi ng tina­mong mga tama ng bala sa katawan.

Habang ang ka-live-in naman nito na si Fred Villa­nueva ay ginagamot   ngayon sa Ospital ng May­­nila sanhi ng dala­wang tama ng bala sa hita.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa hindi nakilalang suspek na mabilis na tumakas ma­tapos ang insidente.

Batay sa imbestigas­yon ni   Det. Rommel Del Rosario ng Manila Police District (MPD)-homicide section, ang insidente ay naganap dakong alas-3 ng madaling-araw sa ha­ra­pan ng isang con­demned building malapit sa Islamic Center sa Carlos Palanca St., San Miguel, Manila.

Ang dalawang biktima ay mahimbing umanong natutulog ng dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, tadtad ng tama ng bala si Abigael habang dalawa naman ang tama ni Villanueva.

Ayon kay Del Rosario, inamim ni Villanueva na may kagalit silang mag-asawa din gayunman hindi umano binanggit ng huli kung sino ang mga ito.

Ayon sa pulisya po­sibleng may kaugnayan sa  droga ang motibo sa pagbaril sa biktima.

Show comments