Bagong LTO chief  ‘kinotongan’  ng driver

Nagmistulang ‘nako­tongan’ ng driver ang ba­gong upong hepe ng Land Transportation Of­fice (LTO) Alberto Suan­sing kahapon ng umaga sa Maynila.

Ito ay nang magbigay si Suansing sa driver ng jeep ng pera na pan­tubos nito ng lisensiya.

Hindi naman binigay ang pangalan ng driver pero ito ay isa sa driver ng  jeep na may biyahe sa May­nila na nasita ni Suan­sing sa may Tayu­man, Maynila dahil naka­himpil sa naturang lugar.

Nang kukunin ni Suan­sing ang driver’s license nito ay wala itong maipa­kitang lisensiya kundi traffic viola­ tion re­ceipt lamang o resibo ng pagkakakum­piska sa driver’s license nito.

Tinanong ni Suan­sing sa driver kung bakit hindi tinutubos ang lisensiya at saka sinabi rito ng driver na wala siyang perang pan­tubos.

Bunsod nito, nag­bigay si Suansing ng perang pantubos ng lisen­siya sa naturang driver at saka umalis.

Si Suansing na isang engineeer ay galing sa transport sector mula sa pagiging Presidente ng truckers’ association, bago naging miyembro ng Road Board at DOTC consultant.   (Angie dela Cruz)

Show comments