^

Metro

Magkapatid nalunod

-

Isang magkapatid na paslit ang nasawi matapos maligo at malunod  sa isang ilog kahapon ng tanghali sa Caloocan City.

Dakong alas-12:00 ng tanghali nang kapwa lumutang ang bangkay ng magkapatid na sina Regina Isidro, 7, at Brando, 5, ng Phase 10-A,  Package 4, Block 54 Excess Lot, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa salaysay ni Bernardo Isidro, ama ng mga biktima, masaya silang nagsasalo-salong mag-aama sa pananghalian nang nakaramdam ng sobrang init sa katawan ang magkapatid.

Nagpaalam ang magkapatid na maliligo sa Ilog di-kalayuan sa kanilang bahay kung saan pinayagan niya ang mga anak kasabay ng mahigpit na bilin na mag-ingat at huwag basta-basta pupunta sa malalim.

Dahilan sa pagpayag ng ama ay halos nagdulot ng sobrang galak sa magkapatid na bata subalit hindi sukat akalain ng matandang Isidro na ito rin ang magiging sanhi ng pagkasawi ng kanyang dalawang minamahal na anak. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BAGONG SILANG

BERNARDO ISIDRO

BRANDO

CALOOCAN

DAHILAN

EXCESS LOT

LORDETH BONILLA

REGINA ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with