300 court employees ‘nagluksa’ sa flag raising ceremony

Bilang protesta laban sa pagkakabinbin ng ka­nilang benepisyo, nag­luksa kahapon ng umaga ang mahigit sa 300 court employees upang ipara­ting ang kanilang kara­ingan sa Mataas na Hu­kuman.

Sa flag raising ceremony kahapon ng umaga, nagkulay itim ang kapaligiran ng Hall of Justice nang mag-protesta at magsuot ng itim na damit ang mga court employees na humihingi ng ka­taru­ngan para maibigay ang kanilang benepisyo na nabibinbin mula pa no­ong panahon ni chief Justice Hilario Davide.

Ayon kay Rusty Ra­gasa, presidente ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Employees Assiciation (PC-RTCEA), hindi nila nila­labanan ang kasalu­kuyang pamu­muno ni chief Justice Rey­nato S. Puno, ang kanilang nila­labanan ay ang kaapi­han at diskrimi­nasyong dinaranas sa pamama­gitan ng pag­ka­kaloob ng benepisyo sa mga em­pleyado sa lower court.

Ang pagsusuot ng damit na itim ng mga em­pleyado ay bilang pag­kaka-isa umano upang maituwid ang bulok na sistema sa hudi­katura sa pamama­hagi ng karam­patang benepisyo para sa maliliit na manggagawa sa lower court.

“Yung natanggap nilang banepisyo na­kain na nila, pero yung sa amin hanggang nga­yon hindi pa nila ibini­bigay,” pahayag ni Ragasa.

Kabilang sa kanilang kahilingan ang Judiciary Development Fund (JDF), Special Allowance for Judiciary at P5,000.00 allowance na taunang ibinibigay sa court employees.

“Matagal na pana­hong nananahimik ang lower court employees, ang panahon ay nagba­bago kailangan din na­ming mabuhay ng ma­ayos, tumataas ang bili­hin, ang krimen ay laga­nap at ang mga kaso ay itinataas sa hu­ku­man at ginagam­pa­nan namin ang aming trabaho, pero nananatili kaming agrab­yado,”  pahayag ni Ragasa.

Nabatid na ang na­sabing “silent protest” ng mga empleyado ay ma­na­natili at regular uma­no nilang gagawin ito tu­wing Lunes habang hindi umano nila nata­tanggap ang hinihinging bene­pisyo sa naturang ahen­sya. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments