Ospital sa depot area

Sakaling matuloy ang pag­li­lipat ng Pandacan Oil depot sa Batangas, plano ni Manila Mayor Alfredo S. Lim na ga­wing isang commercial zone,  paga­mutan o di kaya ay pa­ara­lan ang 10-ektar­yang lupain na  kinati­tirikan nito sa lungsod.

Maisasagawa lamang anya ito kung kakatigan na ng Mataas na Hukuman ang pe­tisyon ng lokal na pama­halaan na mailipat na sa ibang lugar ang oil depot. (Doris Franche)

Show comments